Sunday, March 11, 2007

XXX-Ray by filipinocruiser [Story] - www.kwentongkalibugan.tk

XXX-Ray by filipinocruiser

Mga ilang taon na akong kumukuha ng kumpletong medical exam sa isang bigating ospital dito sa Metro Manila, at parati ko ito kinukuha sa umaga, kadalasan mga alas sais o alas siyete, para konti lang ang mga taong makakasayaban ko. Tag-araw na noong nagkaroon na ako ng oras na kumuha ng exam, at isa sa mga pinakukuha sa akin ay isang chest X-ray scan.

Kaya’t pagkatapos kong magbigay ng mga blood samples sa laboratory ay pumunta ako sa radiology room, na isang palapag pababa lamang. Isang lalaki, na tantiya ko mga dalawampu’t lima hanggang tatlumpang taong gulang lang, ang sumalubong at nagpasok sa akin sa kwarto. Nakauniporme siya. Medyo pa-semikal ang ayos ng buhok. Hindi ganoong katangkad at hindi ganoong kapogi, pero lalaking-lalaki at Pinoy na Pinoy ang itsura’t dating. Madali kong sinilip ang laminated ID na nakasabit sa pang-itaas ng uniporme niya: Carlo.

Magalang niya akong inutos na hubaran ko ang aking pang-itaas; sumunod ako. Pagkatapos, nakiusap siya na tumayo at isandal ang harapan ng aking katawan sa harapan ng malamig na X-ray machine at ilagay ang mga kamay ko sa likod ng aking baywang na nakalabas ang mga palad, na sinunod ko naman. Nang sumandal na ako, lumapit siya sa likod ko at agad pinaandar ang makina. Habang gumagana ang makina, may naramdaman akong malambot na bukol sa aking palad. Hindi ko na sana papansinin ito nang maramdamang kong parang lumalaki ito. Naintriga ako. Kakapain ko sana ito nang lumayo ang technologist. Tapos na ang scan.

Pero naging mapalad ako: hindi nabuo nang maayos ang scan, kaya’t kailangang ulitin namin. Bumalik kami sa aming dating pwesto. Sa pagkakataong ito, habang nakatayo siya sa likod ko, bahagya kong kinapa ang bukol; hindi siya lumayo. Lalo akong naintriga. Kinapa ko ulit, mas matagal, naghihintay; lalong lumaki ang bukol, lalong tumigas. Walang imik ang lalaki, hindi nagtangkang pumalag. Napangiti ako: pumapatol ito, sabi ko sa sarili ko.

Madaling natapos ang ikalawang scan, at pagkaraan ng ilang saglit sinabi sa akin ng technologist na nabuo ito nang husto at pwede nang makuha bukas. Mag-aakmang isusuot ko ulit ang aking kamiseta nang umandar ang kapilyuhan ko. Tinanong ko siya kung pwede ba naming ulitin ang aming eksaktong pwesto sa makina. Tinanong ako kung bakit. Sinagot ko na parang may naramdaman akong matigas sa palad ko noong ginagawa niya ang scan, at gusto ko lang maniguro. Hindi ako nagulat noong pumayag siya. Habang nakapwesto kami, kinapa ko ulit ang kanyang bukol, mas marahas ngayon. Hindi pa rin siya umimik o pumalag...

visit www.kwentongkalibug an.tk to continue reading the story

From: "Bernard Arturo" [JLX's Pare-Pa-Kiss]

No comments: