Sunday, March 11, 2007

LOVE STORY: Ang Pagtatapat CLIMAX

Pwede mo na ba akong mahalin? Si Eric, habang hinihimas ang aking buhok.Huwag kang mag alala, hindi ko kayo pakiki-alaman ni Pinang, basta bigayn mo lang ako ng pagmamahal kahit kalahati lang. O kahit kaunti lang. Mahal na mahal kita dhale.Isang malalim na buntong hininga ang aking sagot sa kanya. Gulong-gulo pa rin ang aking isipan… magilis ang tibok ng aking dibdib,. Kusang dumadaloy ang aking mga luha. Bagay na kinaiinis ko dahil hindi ko magawang maitago sa kanya ang aking nararamdaman.Alam ko kung ano ang ibig sabihin ng mga luhang iyan. Huwag kang mag alala, hindi kita pababayaan. Mahal kita.Matapos ay isang matamis na halik ang iginawad niya mula sa aking luhaang mata. Sinipsip ang bawat luhang umaagos don. Matamis ang lasa ng luha mo dhale, alam kong luha yan ng pagmamahal. Yumakap cia sa aking ng buong higpit. Para akong bata na nakulong sa kanyang matipunong mga bisig. Masarap ang pakiramdam ng makulong ka sa braso ng taong mahal mo.Pano na si Pinang? Hindi ko alam. Ayokong mawala cia sa akin. Napakaselfish ko. Sabi ko sa sarili ko. Pero kasalanan bang magmahal? …Naramdaman ni Pinang ang aking panlalamig. I LOVE YOU.Hindi ko alam kung mabubuhay pa ako ng wala ka.Mulit ay narinig ko ang katagang iyon. Nakabibingi na. Gusto kong humiyaw at sabihing tama na… gusto kong tumakbo papalayo.Yumakap ng mahigpit c Pinang sa aking dibdib.Mahal kita dhale, alam ko kung ano ang dahilan ng iyong panlalamig. Tanga akong maituturing dahil kahit minsan ko na kayong nakita ni Eric ay nagbulag-bulagan ako at patuloy kang minahal. Ginawa ko ang ginawa sa iyo ni Eric upang matapatan ko cia. Ayokong masira tayong dalawa.Naramdaman ko ang kanyang luha sa aking dibdib. Naririnig ko ang bawat hikbi . tila tumatagos sa aking puso. Hindi ko alam kung konsensiya ba ito, awa, o pagmamahal? Ang alam ko'y ganoon din ako. Ayokong mawala c pinang sa akin. Ang kwentong ito ay tumagal ng marami pang buwan. subalit hindi ko kayang mamangka sa dalawang ilog. Kailangan kong pumili ng isa. Kailangan kung hindi ay malulunod ako. Ayokong mamatay sa pagmamahal. Ayokong mamatayKung kayo ang nasa kalagayan ko? Ano ang gagawin niyo?Hindi ko muna sinabi ang aking desisyon sa group dahil gusto kong makatiyak kung tama nga ang aking ginawa.Pero ang nagging resulta ng aking desisyon ay pareho silang nawala sa akin. Iyon ang pinakamasakit na pangyayari ng aking kwentong puno ng init at pag-ibig.

From: "tikimmymilk" [pinoy_boso]

No comments: