Sunday, March 11, 2007

Barbershop Series by winwin [Story]

Gusto ko lang ishare sa inyo itong kwento ko noong 1st time kong magboard sa Maynila. Ang hirap pala pag magsisimula ka palang, pero masaya dahil excited dahil bagong graduate lang ako galing probinsya at excited sa magiging trabaho ko.

Una kong nahanap ang isang barbershop sa may makati. Doon ko nakilala yung may ari na si kuya Edmund na kasalukuyang nanonood ng basketball sa TV kasama yung 3 nyang mga barbero. Natuwa ako dahil unang bahay palang na napuntahan ko, nagkasundo na kami sa presyo kasama na lahat. Nilibot nya ako sa taas ng barbershop at pinasok namin ang magiging kwarto ko. Hindi ako sanay sa ganung setup dahil 4 pala ang tao sa isang kwarto, pero sabi nya tahimik naman daw doon at malinis kaya pumayag na din ako. At isa pa, mukha naman daw akong mabait at OK. Mabait si kuya edmund at siguro nakatulong yung pangungulila ko sa kapatid kong lalake noong umalis sya papunta ng states noong nagcollege na ako. Mayroong 3 kwarto sa taas ng barbershop, at walo kaming puro mga lalaki ang nagboboard lang sa kanila. Tanging ang asawa lang ni kuya Edmund ang babae sa amin. Sabi nila, may problema daw sa matris si ate suzette kaya hindi sila nakakabuo.
Noong gabi din na yon, inayos ko ang mga damit ko hanggang sa maabutan ko ang pagdating ng isa kong roommate."Hi pasensya na magulo yung mga gamit ko teka lang aayusin ko."

Napangiti sa akin si Jeff, sabi nya ok lang daw kasi di pa naman daw sya matutulog. Nagkwentuhan nalang kami hanggang sa nalaman ko na kapatid pala sya ni kuya edmund. Sabi nya matagal na daw bakante yung ibaba ng kama nya. Mabuti nga daw at may makakasama na daw siyang magbasketball sa may court na malapit samin. Mabait din si Jeff gaya ng kuya nya, 21 din sya, kasing edad ko at mukhang makakasama ko to sa mga kalokohan sabi ko.

Habang tumatagal ang pagkwekwentuhan namin, napansin ko na parang iba na ang tingin ko sa kanya. Habang tumatagal may parang nararamdaman ako na hindi ko dapat mapansin kanina pa, ito ay ang ganda ng kanyang mga tingin lalo na kapag ngumingiti. Iba si Jeff sa tingin ko. Sya yung tipong isang tanong, isang sagot. Tahimik lang sya at mukhang suplado, madalas laging nakatingin sa malayo. Madalas ko syang maabutang nakahiga na parang may malalim na iniisip. Maganda ang katawan nya at tamang tama lang para sa edad namin. Magkasing height din kami na 5"8 inches ang taas. Lalaking lalaki ang kanyang dating sa semi kalbo nyang style ng gupit. Makikita mo din ang mga nagsisimulang muscles na tumutubo sa kanyang braso at balikat dahil siguro sa pagiging varsity player nya sa eskwela. Halata nga dahil nakasandong red sya na jersey noong gabing yon. Kakaiba yung mga mata nya dahil chinito ito na malalim at mapungay ang dating dahil sa ganda ng kanyang mga pilik mata. At ang kanyang mga kilay, mala, mark herras ang dating, parang dimonyong nangaakit! Hekhekhek!

"Sige pare maliligo na ko, galing kasi ako sa laro kaya ganito itsura ko. Heheheh" Medyo ginabi na ata kami sa pagkwekwentuhan namin kaya time out muna sya at sinabing kung gusto ko na daw matulog, doon nalang daw ako sa baba ng double deck namin dahil ayaw daw nya nakatutok sa electric fan.

Continued at www.kwentongkalibug an.tk

Kwentong Kalibugan Mirror Sites:

http://kalkal8. allhyper. com
http://pagibig. coconia.net
http://kalibugan. webpal.info

From: "Bernard Arturo" [JLX's Pare-Pa-Kiss]

No comments: